Ang Pinili ni Haring David

Si Haring Saul at Jeroboam sana ay nakatanggap
Ng pagpapala ng Diyos kahit na wala silang ginagawa ukol dito.
Gayon pa man, sila ay winasak ng isang sumpa mula sa Panginoon.
Ang sumpa ng Panginoon ay nagmula sa kanilang pagpapagal na gamitin
Ang kanikanilang mga pangsariling kapakanan at lakas upang ipagtanggol ang Trono. Hindi pa may, ang sitwasyon ni  David ay ninakawan ng trono at tumakas para iligtas ang kaniyang buhay, ay hindi gumamit ng ano mang makataong pamamaraan at pawang sa Diyos lamang umasa. Inilagay niya ang kanyang Tanging pag-asa na:"Kung itinatag ako ng Diyos at tutulungan Niya akong muli, Kapag ang kaniyang awa ay napasa akin..." Hindi niya sinubok na Ipagtanggol Ang kaniyang trono sa pamamagitan ng pag-gamit ng kaniyang sariling Pamamaraan, lakas o gawa. Ang mga taong sumusulong at nagpapatuloy sa Kanilang Pananampalataya ay ang mga tao ng Diyos.

Ock-soo Park (Pastor, Hanbat Central Church)


SI SAUL AT JEROBOAM

Ang tala ng mga nagawa ng maraming hari ay makikita sa Lumang Tipan. Ang mga ito ay nagtuturo sa atin ng isang kaaralan. Ilan sa mga hari, marami sa kanila ang nasawi kahit na lubha nilang ipinagtanggol ang kanilang mga trono. Si Saul at Jeroboam ay isa sa mga haring ito, kahit na sila'y pawang naging mga hari sa pamamagitan ng Panginoon.

Sa mga panahong iyon si Saul ay nakaluklok sa trono ng Israel, siya ay patuloy na nilulupig ng mga Pilisteo at dumanas ng malawakang pagkatalo. Sa isang puntos ang Israel ay nararatay sa malpit na pagkalupig dahil sa isang tao, isang nagtagumpay mula sa kampo ng mga Pilisteo na nagngangalang Goliath. Walang nakakapantas sa kanyang kalakasan o nais na lumaban sa kanya. Makikita na ang hukbo ng Israel ay napaparoon sa pook ng labanan hindi upang lumaban, kundi para tumakas kay Goliath. Isinugo sa kanila ng Diyos si David at sa pamamagitan niya si Goliath ay namatay at ang Israel ay naligtas. 

Nasiyahan na sana si haring Saul sa pagkakapatay ni David kay Goliath, ngunit hindi nangyari. Nang marinig niya ang mga Israelita na umaawit ng "Napatay ni Saul ang isanglibo, at si David ay kanyang sampung libo". Iisang kaisipan ang pumasok sa isip ni Saul: "Kukuhanin ni David ang trono sa akin". Sa panahong yaon, sinubok ni Saul na patayin si David para maingatan ang trono. Dahil siya ay naligaw sa ganitong pagiisip, nagdesisyon si Saul na kitilin ang buhay ni David. Sa ganitong dahilan, hindi makapanahan si David sa Israel at siya'y tumakas kay Saul sa pamamagitan ng pagpunta niya sa teritoryo ng Pilisteo. Nang si David ay nasa labas na ng Israel, ang mga Pilisteo ay nagtipon at ang kaniyang hukbo ay natipon at nasakop ang Israel. Si Saul at ang kaniyang anak na si Jonathan ay walang awang pinatay sa digmaang yaon. Wala sanang ginawa si Saul sa pagtatanggol ng trono dahil si David ay kinasihan ng Diyos upang maging hari ng Israel. Ngunit ninais niyang pataying si David upang ipaglaban ang trono ng Israel. Sinunod niya ang pagnanasa na ibinigay sa kanya ni Satanas. Pinatalsik niya si David mula sa Israel at siya nga ay napatay ng mga Pilisteo.

Itinatag din ng Diyos si Jeroboam upang maghari sa Israel. Ngunit nang siya'y naging hari, si Rehoboam, ang hari ng Judah ay sumalakay. Magkagayunpaman, nagbitiw ng salita ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta at pinabalik ang hukbo ni Rehoboam, "Itinatag ko siya bilang hari ng Israel, kaya huwag kayong magsipaglaban sa mga Israelita."  Ito ay sa mga panahon ng pagpanhik ng mga Israelita tatlong beses sa isang taon sa tahanan ng Panginoon sa Jerusalem para magalay ng mga handog at hindi sa panginoon na nasa Judah. Kahit na papaano, ang resulta ng ganitong mga kaparaanan ay ang pagpasok ng masamang kaisipan sa isipan ni Jeroboam at siya'y natakot: "Kung ang aking mga tao ay pupunta sa tahanan ng Panginoon sa Jerusalem at magaalay para sa mga kaarawan, papaano kung ang kanilang mga puso ay bumaling ulit kay Rehoboam, at akoy' kanilang papatayin?"

Sa panahong iyon, sinubok ni Jeroboam na supilin ang mga Israelita sa pagpanhik sa tahanan ng Panginoon sa Jerusalem at nauwi sa maaaring pagtatanggol sa trono. Imbis nag paglingkuran niya ang Panginoon na nagtatag sa kaniya bilang hari, siya ay lumikha ng isang harang para hindi makapunta ang mga tao sa pagtungo sa Panginoon. Ito'y kaniyang ginawa upang maipagtanggol ang kaharian, si Jeroboam ay nahulog sa mapanilang bitag ni Satanas. Kahit na hindi siya magpakahirap upang ipaglaban ang kaharian, nakaluklok pa rin sana siya habang siya ay mataimtim na naglilingkod sa Panginoon. Gayon pa man, dinaya siya ni Satanas upang ipagtanggol niya ang kaniyang kaharian. Manapat, lumikha pa siya ng dalawang gintong baka para sa mga Israelita upang ito ang kanilang sambahin para hindi na sila tumungo sa tahanan ng Panginoon sa Jerusalem. Ito ay isang pamamaraan ng rebelyon laban sa Diyos. Ang kinauwian ng ganitong sitwasyon ay ang walang awang pagkabigo ni Jeroboam.

Ang ganitong mga pangyayari ay sumasapit sa ating mga buhay. Silang mga humihiwalay sa panginoon at iniiwanan Siya, huwag natin siyang ipagsawalang bahala ng walang dahilan. Nagawa nilang lunasan ang mga sitwasyon na sumasakop sa kanila para makamit nila ang tagumpay sa kanilang buhay. Kapag ibinuhol nila ang kanilang mga puso at ang kanilang kahusayan sa paggawa, nilalagyan sila ng sakim na pagiisip ni Satanas, "Kailangan mong iwanan ang Diyos kung nais mong maging matagumpay." para sa kani-kanilang sariling katuwiran at pagkamasarili. Ang kanilang mga buhay, kahit papaano ay nauuwi sa pansariling pagkawasak at pagkakaroon ng miserableng kabiguan na dulot ng pagtalikod nila sa Diyos. Ang ganitong mga pangyayari ay madalas nating matatagpuan sa Bibliya at sa mga pamumuhay sa pananhong ito.


SI HARING DAVID

Si haring David ay lubos na kakaiba kina Saul at Jeroboam. Kapag siya ay nakararanas ng gipit na sitwasyon, hindi siya nagsusubok na ipagtanggol ang kaniyang sarili, datapwat ipinauubaya niya ang kaniyang sarili sa Panginoon. Sa ganitong pamamaraan nakakatanggap ng biyaya ng Diyos si David at lahat ng kaniyang paghihirap ay inaalis ng Panginoon sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga taong walang pananampalatayang sumamba sa Diyos sa mga panahon na sila'y mapayapa at kapag ang lahat ng bagay ay nasa ayos, at pinagwawalang bahala Siya kapag sila'y nakakaranas ng malalaking problema. Sa kabaligtaran, silang may pananampalataya ay lubos na nagsisipag-asa sa Diyos kapag sila'y nakakaranas ng mga kahirapan sa buhay, gaya ng mga bagay na nababatid nilang hindi nila kaya, at pinauubaya nila ito sa Panginoon upang lutasin ang kanilang mga problema. Si haring David ay isang taong mapagsampalataya. Minsan ang kanyang kaharian ay kinuha ng kaniyang anak na si Absalom. Matapos na nakawin ni Absalom ang puso ng mga tao ng Israel sa pamamagitan ng kanyang pangaakit at katusuhan, naisipan niyang patayin si David at mapasakaniya ang trono. Siya ay nagrebelde laban kay David at nilusob niya si David patungo sa Jerusalem. Napag-alaman ni David ang balak ni Absalom at iniwan niya ang palasyo upang tumakas. Ito ang kasaysayan na makikita sa 2 Samuel kapitulo 15 at 16. Isinasaad ng 2 Samuel kapitulo 15 kung ano ang mga pangyayari sa panahon ng iwanan ni David ang palasyo. Pinag-aralan kong mabuti kung ano ang nangyari mula iwan ni David ang palasyo hanggang sa muli niyang pagbabalik. Pinag-aralan kong mabuti kung papaano siya kumilos ng kunin ng kaniyang sariling anak ang kaniyang trono at pinatalsik, at kung paano niyang hindi matiyak ang kasiguraduhan ng buhay ng kaniyang mga tagapagsilbi. Sinabi ng Bibliya na siya ay umiyak at siya'y umahon ng nakatapak "At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiyak habang siya'y umaahon; at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawat isa, at silay nagsiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon." (II Samuel 15:30) Nang iwan niya ang kaniyang kaharian, iniwanan niya ang sampung kinakasama para pangasiwaan ito. Ang una niyang ginawa ng siya ay tumakas ay ang iwanan ang kaniyang sampung babaeng kinakasama sa palasyo, si Solomon ay may isanlibong kinakasama. Si David ay walang ganoon karami ngunit mayroon siyang higit sa sampu nito. Kahit papaano, nang dalhin siya sa ganitong mahigpit na sitwasyon siya ay nakaharap tungo sa Panginoon, siya'y lubos na nahiya sa mga bagay na pangpisikal gaya ng pagnanasa sa laman at mga pagnanais. Kaya nga iniwanan niya ang sampung babae na kaniyang kinakasama at lumisang walang direksyon kahit na bawat isa sa kanila ay tinuturing na reyna na nagsibol mula sa kaniya ng mga prinsesa. Ating makikita ang kaniyang pananaw ukol dito, makikita natin na ipinagkumbaba niya ang kaniyang sarili at tumalima ng gaya ng naghihirap. Ang Panginoon ang nagbigay ng ganitong pananaw sa puso ni David.

Habang walang limitasyon ang komportable at kasaganahan ng pamumuhay, tayong mga Kristyano ay makapapamuhay din sa kasaganahan habang tayo ay ibinubulid ng kasiyahan ng laman at mga pagnanasang pisikal at ang pagtanggap sa mundo kung ano ito. Kung tayo ay panalangin at magsisiluhod sa Diyos kapag binibigyan niya tayo ng mga kahirapan, malalaman nating mga Kristiyano at sasabihin natin sa ating mga sarili na: "Tayo ay lubos na nagsipamuhay ng masagana at masyadong maraming pagnanasa. Tayo ay nabulid sa mga pangpisikal na kaligayahan." Magkagayon nga, na ating ibababa ang ating mga sarili at mamuhay ng matuwid sa pamamagitan ng pagaalis ng masaganang pamumuhay at pangpisikal na kanasaan. Lubos na tama na si David ay ganito ng lisanin niya ang kaniyang kaharian. Ang unang aspeto ni David na nabasa natin ay nang siya ay lumisan ng lumuluha habang siyay nakatapak, iniwanan niya ang kaniyang sampung kinakasama at nagsisi sa Panginoon. ang  sumunod na bagay na kaniyang ginawa ng ng siya ay tumakas ay nang sabihin niya ito kay Ittai, isang Geteo na magpauna  na kasama ang lahat niyang lalake at mga bata kay Absalom. Ang Geteo ay orihinal na nasasakupan ng Pilisteo ngunit  sa huli ay naging bahagi ng Israel sa ilalim ng paghahari ni David. Si Ittai ay napasa kay David na heneral ng anim na raang katao. Nang sundin ni Ittai si David, ang anim na raang Geteo ay sumunod sa kaniya ngunit sinabi ni David kay Ittai na magbalik at nagsabi:"Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? Bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari sapagka't ika ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako. Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin,  dangan akoy yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid/ kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo." (II Samuel 15:19-20) Nang si David ay nangailangan ng tauhan para ingatan siya habang siya ay tumatakas, marami ang magsisipagisip  na dapat naging mapagpasalamat siya kay Ittai kasama ng anim na raang kalalakihan na sumusunod sa kaniya. Kahit papaano, sinabi ni David kay Ittai na bumalik sa kaharian at tumayo sa tabi ni Absalom na kaniyang kaaway at nagnanasa na pumatay sa kaniya. Hindi ninais ni David na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa anumang paraan ng tao, inihanda ng maigi ni David ang kaniyang puso sa mga ganitong kaisipan, "Kung hindi ako kinasihan o biniyayaan ng Panginoon para maging hari muli, ako ay hindi magiging hari." Hindi niya ninais na ipagtanggol ang kaniyang sarili o makuha muli ang trono sa anomang paraan ng tao. Makikita natin  na kabuuang ipinaubaya niya ang kaniyang sarili sa Panginoon, umaasa ng buo sa Kaniya at isinuko ang lahat ng kakayahang maaaring gawin ng tao. Ito ang isang napakahalagang katangian o aspeto ng ating pananampalataya. Kung totoong aasa at mananampalataya sa Panginoon at ilalagak natin ang ating tiwala sa Kaniya at Siya lamang ang hahanapin, tayo ay kaniyang iingatan. Gayon pa man, kung tayo ay lubos na sasampalataya at isusuko natin ang lahat ng pamamaraan ng tao para maingatan ang ating mga sarili at sadyang maghihintay sa pagkilos ng Panginoon, tayo ay Kaniyang bibiyayaan. Sinabi ni Haring David kay Ittai na bumalik ang Gitteo kahit na ito ay naparoon upang siya'y protektahan. Si Ittai nga ay hindi bumalik at siya'y sinundan. Gayon pa man, hindi nais ni David na protektahan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ni Heneral Ittai. Si David ay umaasa lamang sa Panginoon. Nais niyang maligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Hindi niya nais na maligtas sa ano mang paraan na gawa ng tao ngunit sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon.


TOTOONG PANANAMPALATAYA

Mayroong isang napakahalagang dahilan kung bakit tayo ay nagkukulang sa pananampalataya. Tayong lahat ay lubos na nagnanais na makakamit ng biyaya at tulong ng Diyos. Ngunit, tayo ay nag-aalinlangang isuko ang lahat ng bagay na naiisip nating mahalaga o ang ating mga pansariling katangian gaya ng mga kilos ng kilos ng ating mga puso: "Habang ako ay inaako at ginagabayan ng Panginoon, hahayaan kong akoy lubos na umasa sa Kaniya sa pamamagitan ng pagsusuko ng lahat ng aking mga pamamaraan." Kung mayroon tayong buong paniniwala sa Diyos at kung talagang inaako at iniingatan tayo, ang ating mga pamamaraan ay sa kabuuan ay walang maibubunga. Ang kakayahan upang tanggalin ang kanilang pansariling pamamaraan ay kakayahang ibinigay doon sa mga may pananampalataya sa Diyos. Ang mga taong walang pananampalataya sa Diyos na sila'y iingatan at gagabayan ay silang mga hindi nagnanais na isuko ang kanilang mga makataong pamamamaraan na sa isip nila ay makakatulong sa kanila o iniisip nilang ito ay ibinigay sa kanila. Ang Diyos ay hindi makakakilos sa mga taong gaya nito dahil hindi sila lubos na umaasa sa Diyos para sila ay ingatan at protektahan. Nang si David ay lumisan palayo kay Absalom, nakaranas siya ng maraming kahirapan. Kahit papaano, hindi siya nagsubok na protektahan ang kaniyang sarili sa paggamit ng sari-saring kaparaanan na gawa ng tao. Bagkus, siya ay lubos na umasa sa Panginoon. Nang si Ittai at ang kaniyang anim na raang kawal ay dumating upang siya ay protektahan, kaniyang sinabi na silay magsibalik sa kaharian at sumama kay Absalom. Pinatunayan ni David sa kaniyang mga kilos sa harap ng Panginoon na tanging sa Kaniya lamang siya nagtitiwala. Habang si David ay tumatakas, si Zadok na pari ay lumapit sa kaniya: "At, narito, pati si Zadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Diyos; at kanilang inilapag ang kaban ng Diyos, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan" (2Samuel:15:24)

Ang lubos na mahalagang bagay sa pagtakas ni David ay para makuha niya ang puso ng mga tao ng Israel. Walang alinlangan na ang mga Israelita na sumasampalataya sa Diyos ay ibibigay ng taos ang kanilang mga puso sa kaban ng Diyos. Sa ganitong kalagayan, si Zadok at si Abiathar na pari na batid nila na si David ay tumatakas, dinala nila ang kaban ng Diyos at itinabi ito sa gilid ni David at nagalak sa kaniya. Muli Niyang ibabalik si David upang Siya'y paglingkuran. Ngunit kung hindi, pababayaan nating Siya ang gumawa ng inaakala Niyang makakabuti para sa Kaniya. Makikita natin na ang puso ni David ay pumigil sa kaniya upang ipagtanggol ang kaniyang sarili at ang kaniyang kaharian sa pamamagitan ng ano mang kakayahan at pamamaraan ng tao. Si Haring Saul at Jeroboam sana ay nakatanggap ng ganitong biyaya ng Diyos kahit na sila'y walang sinikap gawin. Magpagayon man, sila ay winasak ng sumpa na galing sa Panginoon. Ang sumpa ng Panginoon ay mula sa kanilang sariling mga pamamaraan at kalakasan upang ipagtanggol ang kanilang mga kaharian. Hindi pa may, si David, na nasa kalagayang ninakawan ng trono at tumakas na tanging ang kaniyang buhay lamang ang napasakaniya, ay hindi nagsagawa ng anomang kapamaraanan ng tao at siya'y lubos lamang na umasa sa Panginoon. Inilagak niyang lubos ang kaniyang pag-asa sa iisang bagay: "Kung muli akong tutulungan at itatatag ng Diyos, kapag ang kaniyang awa ay napasa-akin..." Siya ay hindi sumubok na ipagtanggol ang trono sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapamaraanan, lakas o gawa. Ang mga taong lubos na panatag sa kanilang pananampalataya ay ang mga tao ng Diyos. Si Satanas ay lubos na tuso. Ginagawa niya tayong mag-alinlangan para iwanan ang Diyos. Dinadaya niya tayo, una, upang maniwala tayo na dapat nating ipaglaban ang ating mga sarili at sa pagbabalatkayo na kaya niya tayong gawing matagumpay. Mayroon nga sa ganoong paraan, maraming taong umalis sa Diyos ay bunga ng pagkahulog nila sa patibong ni Satanas. Kahit paano, ang tao ng pananampalataya ay hindi sumusubok na lunasan ang mga hindi kanais-nais na mga bagay o mga problema sa pamamagitan ng kanilang mga pansariling kalakasan kapag sila'y nakakaranas ng kahirapan sa kanilang mga buhay. Upang maniwala at umasa sa Panginoon ng lubos, kailangan nilang isuko ang kanilang sariling mga kaisipan at pamamaraan. Ang gawi ni David, habang siya ay tumatakas, ito ay totoong kilos at gawa ng pananampalataya na hindi masusumpungan sa atin. Sa makataong pananaw, parang wala nang paraan upang maibalik ang kaharian. Lahay ay nagsi-isip na si David ay nawasak at si Absalom ang magiging hari, kaya silang lahat ay nagsigawi tungo kay Absalom. Kahit na sa ganitong sitwasyon, nanumbalik kay David ang trono at siya'y nanumbalik sa kaharian, at isinuot ang walang hanggang kapurihang korona ng Panginoon. 


ANG PANGINOON ANG MAGTATANGGOL SA AKIN

Isang karagdagang bagay na nangyari nang si David ay tumatakas na makikita sa 2Samuel 16. Si Shimei na Benjaminita na walang humpay na sumusumpa at pumupukol ng bato at lupa kay David na nagwikang, "Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake: Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik." (2Samuel 16:7-8) Sa maga oras na yaon, ang mga alipin ni David ay nagsusumamo sa kaniya na hayaan niyang pugutan ng ulo si Shimei at nagsabing, "Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari?" at ganito ang isinagot ni David: "Sapagkat siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, bakit ka gumawa ng ganyan?" "Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamita ito?", "Bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.", "Marahil ay titignan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawn ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito." (2 Samuel 16:10-12). Lubos na walang makataong aspeto ang matatagpuan sa mga kilos at gawi habang si David ay tumatakas palayo kay Absalom. Ang makikita lang natin sa kaniya ay ang kaniyang lubos na pag-asa sa kilos ng Diyos. Hindi na binibigyang halaga kung ano man ang mangyari, at ipinapasa Diyos na lamang niya ang lahat.

Inilagay niyang lahat ng pag-asa sa iisang bagay: "Kung ako'y itatatag ng Diyos at tutulungan akong muli, kapag mayroon Siyang awa para sa akin...." Hindi niya sinubok na ipagtanggol ang kaharian sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga pamamaraan, kalakasan o gawa.

Kahit na siya'y nasa masamang kalagayan at halos lahat ay umaasa na gagamitin niyang lahat ng kaniyang mga kakayahan at pinagaarian para maipagtanggol ang kaniyang posisyong pagkahari, hindi niya ito ginawa. Sa kabaligtaran, isinuko niyang lahat ang mga bagay na ito at umaasang katuwirang ang tanging pag-asa lamang ay sa biyaya ng Diyos. Iniwanan niyang lahat ng babaing kaniyang kinakasama at sinabi niya kay Ittai na Heneral ng Gitteo na makatutulong sa kaniya na manumbalik sa kaharian, at hindi niya pinayagan ang kaban ng Diyos na sumama sa kaniya. Ang kilos ng kaniyang puso ay nahahayag: "Ako'y babalik sa kaharian kung ang Diyos ay nalulugod sa akin, at ibabalik akong muli sa Jerusalem, kung hindi man, hindi ko nanaisin na mapasa-akin muli ang kaharian sa pamamagitan ng ano mang pamamaraan ng tao." Ibinigay ng Diyos ang kaniyang biyaya dahil si David ay ganito, at ibinigay muli sa kaniya ang kaharian. Ipinanumbalik Niya ang lahat kay David.Sapagkat wala tayong David na hari ng pananampalataya, ating nilulutas ang ating mga problema sa pamamagitan ng makataong mga pamamaraan, kahit na ang kahirapan ay maliit o kaya'y  tila madali lang lutasin. Mayroong ilang mga pangyayari na tayo'y naghahanap ng tagumpay sa pamamagitan ng mga makataong pamamaraan, ang resulta magrerebelde laban sa Diyos, at makakatanggap ng Kaniyang sumpa. Sa panahong ito,  napakaraming tao ang sumubok na proteksiyonan at ingatan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga sariling pagnanasa at ng kanilang mga kilos, sa huli, kabiguan ang natatamo! Kapag nakikita kong nangyayari ang mga bagay na ito ng paulit-ulit ito at nagiging isang mapait na katotohanan na ang tao ay talagang walang isip at nahuhulog sa katusuhan at pandadaya ni Satanas. Ang aral ng Diyos para sa atin sa 2Samuel 15 at 16 ay ang pagsulong sa pananampalataya tungo sa Kaniya. Ito'y napakahalagang aral para kay David  habang ang mga pagnanasa ng kaniyang puso ay kaniyang inalis habang siya'y tumatakas at hindi nagsumikap na humanap ng mga bagay na makakatulong sa kaniya, bagkus ay hinintay niya ang Panginoon upang gumawa ng paraan. Tayo ay minumulat ng Diyos para sa kaisipan at pagkakakilala sa pagitan ng hindi mapapagkatiwalaang kilos ng tao at sa kilos ng pananampalataya ni David. Makikita natin na marami, maraming tao ang hindi nagsisipagtalima na gaya ni David. Ako rin ay kinakapos sa pananampalataya, at sa gayon madalas akong tumitingin sa magagandang kalagayan ng mga gawang at pagkilos ng mga tao sa halip na i-asa na lamang sa Diyos ang lahat ng bagay na gaya ni David. Sa gayon ako ay nahihiya sa sarili ko sa harap ng kaniyang mga salita, kaya madalas, kailangan kong alisin ang mga ninanais ng aking puso upang hanapin ang tanging pag-asa sa Panginoon. Isinasaayos ko ang aking puso para sa gayon ako ay maitatatag lamang kung ako ay itatatag ng Diyos, at ako ay makaka-kamit lamang ng tulong ng Diyos at makakamtan ko lamang ang mga ito sa biyaya ng Panginoon. Kapag isinusuko ko ang aking mga pamamaraang pang tao para ingatan ang aking sarili at humalintulad sa kaisipan ni David, madalas akong makaranas ng malayang pagkilos na ibinibigay ng Diyos at ng Kaniyang biyaya. Sa ganitong pamamaraan, ako ay nakakasulong sa buhay na mapagpasalamat para sa Panginoon. Nararapat talaga tayong magkaroon ng pananampalataya na kagaya ng kay David. Nararapat nating pakawalan ang ating mga sarili sa paghahangad ng ating mga pangsariling kilos para sa ating kaligtasan, at lahat ay dapat nating iasa sa Panginoon. Kapag iniasa natin ang ating hinaharap at ang ating buhay sa Diyos at kasama rin dito ang pag suko ng ating kalakasan at kakayahan, at ipaubaya natin na ang Diyos ang humawak nito, ang mga pamamaraan ay magiging ligtas at pinagpala para sa atin. Nais talaga ng Diyos na maisip natin ang ganitong mga puntos.


Back