' Overseas Field Experience ' ay isang kakaibang programa ng IYF na hindi lamang nagbibigay ng pagkakataon sa atin upang mag-aral ng foreign language kundi binibigyan din tayo ng pagkakataon na diretsong maranasan ang kultura ng ibang bansa. Wala ng iba pang dakilang milagro na tulad nito, ang mga estudyante sa unibersidad,
 
na dating nabubuhay lamang sa kanilang sariling kagustuhan, sariling oras. plano at kasiyahan, ay magnanais na ubusin ang buong taon ng kanilang walang muwang na puso upang mabuhay para sa ibang tao.

Katulad ng mga estudyante na nananatili ng isang taon upang mabuhay sa ibang bansa, tinitipon nila ang kayamanan na binubuo ng di malilimutang alaala at mga kaibigan, di pagkakaunawaan, o di sinasadyang pangyayari na sanhi ng pagkakaiba ng kultura at espesyal ng pagtingin tungo sa ganitong bansa at sa mga mamamayan nito, ang mga estudyante na bumabalik galing sa Africa ay hindi nakaranas ng sakit tulad ng AIDS o Malaria, kundi ng sakit na 'hindi makalimutan ang Africa'. ang mga estudyante, na bumabalik galing sa Russia, ay hinahanap-hanap ang Russia, at ang mga bumisita sa South America ay hindi makalimutan ang mga kaibigan na nakilala nila doon. Nais nilang ibigay ang kanilang buhay sa mga tao na dating mga estranghero sa kanila. Noong 2002, nagsimulang magsugo ng 14 estudyante at 58 estudyante sa taong 2003, 110 sa taong 240 at sa pangkasalukuyan sa 2005 ay mayroong 237 estudyante na isinugo sa 40 iba't ibang bansa.