Mula noong 2002, ang mga estudyante ng GNC na dumating dito sa Pilipinas galing ng Korea ay aktibong ipinapakilala ang IYF (International Youth Fellowship), sa bawat pampublikong mga institusyon at mga paaralan sa pamamagitan ng korean traditional dances, righteous family dances at photo exhibition. Ipinapamahagi din nila ang kanilang mga kultura at damdamin, sa ating mga kapuwa Filipino, na nasa iba't-ibang mga probinsya sa ating bansa.

Ang mga GNC estudyante na ipinadala ngayong taon, galing ng Korea ay nagkaroon ng kauna-unahang presentasyon sa Public Trade School sa Angeles City. Noong Marso 28, 2006. Nakatanggap sila ng maraming papuri sa pagtatanghal nila ng korean traditional dances at taekwondo.

Nang araw na yaon, ay nagkaroon ng magandang atmosphere ang pinakaunang presentasyon ng 5th batch GoodNews Corps.

Kagaya nito, sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal, ay maipapamahagi nila ang kanilang mga diwa sa mga Filipino.