|
Mayroong
mga ilang hakbang tungo sa buhay pananampalataya. Kung tayo ,mga lahi ni Adam, ay
magkakaroon ng pakikisama sa Dios at mabuhay kasama siya, kailangan
dumaan tayo sa tiyak na pamamaraan.
Kung lalagyan natin ng bilang ang bawat pamamaraan para sa mas
mabuting pagkakaunawa, makilala natin ang ating mga kasalanan sa harap ng
Dios, na unang nangyayari ang magiging
unang hakbang. Ito ay :
kung ang tao na nabubuhay na walang kaisipan sa Dios ay malaman ang
katotohanang, Ah, ako'y
makasalanan lamang sa harap ng Dios.
Ito ang unang hakbang sa buhay pananampalataya. Ang dahilan
ay sapagkat ang mga makasalanan ay walang kinalaman sa Dios kung wala
silang alam tungkol sa kanilang mga kasalanan - katulad ng mga tao na
walang alam sa kanilang mga sakit ay walang kinalaman sa mga doktor
. Ikalawang hakbang ay
mangangailangan ng pagsisisi at pakiusap. Panginoon maawa ka sa akin na walang magagawa kundi
mapunta sa impierno. Patawarin mo
ang aking mga kasalanan.
Masasabing ito ang hakbang kung saan ang mga makasalanan ay
nalaman ang kanilang mga kasalanan at nagsisi at nagpahayag. Ibang mga
tao ay iniisip na ang kanilang mga kasalanan ay mapapatawad sa hakbang na
ito. Ngunit ito'y mapanganib na maling pagkaunawa. Kung ang mga kasalanan ay maaaring
patawarin sa ikalawang hakbang, wala ng dahilan para si Jesucristo
ay bumaba sa sanglibutang ito at mamatay sa pagkapako sa krus. Kaya, ikatlong
hakbang ay naging mahalaga.
Ikatlong
hakbang ay ang katayuan kung saan ang mga tao ay nalaman kung paano
at bakit si Jesucristo ay namatay at nalinis lahat ng kanilang mga
kasalanan upang sila'y maging simputi ng niebe. Ito ang mga hakbang na inalis tayo mula sa pagiging
makasalanan hanggang sa pagiging matuwid, mula sa paghatol hanggang sa
buhay na walang hanggan, mula sa mga anak ng diablo hanggang sa mga anak
ng Dios. Sa mga hakbang na ito,
kapatawaran', kaligtasan',
at pagiging born again', ay
naganap.
Sa
ganito ang makasalanang walang Dios ay kailangang magsimula sa unang
hakbang, patungo sa ikalawang hakbang at kailangang makarating
sa ikatlong hakbang upang siya ay maligtas at maipanganak muli
bilang anak ng Dios. Kung isa sa
tatlong hakbang na ito ay inalis ay hindi tayo maliligtas.
Noong panahon ni Jesus, mga Fariseo ay
makasalanan din tulad ng mga maniningil ng buwis o ng mga patutot, ngunit
hindi sila makapagsisi sapagkat hindi nila kinikilala ang kanilang mga
kasalanan. Kaya sa wakas, sila ay
hinatulan. Sila ay di man lang
nakarating sa unang hakbang, at kahit na si Judas Escariote ay
nagsisi dahil sa pagkanulo kay Jesus at ibinalik ang 30 piraso ng pilak
sa mga pinunong saserdote. Hindi
siya nanumbalik sa Dios upang linisin ang kaniyang mga kasalanan sa pamamagitan
ng pagtanggap ng ebanghelyo.
Inakusahan lamang niya ang kaniyang sarili at nagbigti. Nanatili siya sa unang hakbang. Sa Gawa 18, alam lamang ni Apolos ang
hakbang hanggang pagsisisi.
Pinag-aralan niya ang biblia mula pagkabata, marami siyang alam
tungkol dito. Ngunit ang alam
lang niya ay ang bautismo ni Juan.
Si Priscila at Aquila ay inanyayahan siya sa isang tabi at
ipinaliwanag ang evangelio ni Jesucristo upang dalhin siya sa ikatlong
hakbang. Mula noon, si Apolos
ay naligtas at naging mabisang manggagawa ng Dios. Sinoman na nakarating sa ikatlong
hakbang ay magkakaroon ng mahalagang pakikisama sa Dios. Ulitin nating muli, ikatlong
hakbang ay pasimula ng buhay pananampalataya, makakakuha ng kalakasan
at biyaya mula sa Dios.
Kahit papaano ang tao ay hindi maaaring mabuhay ng sakdal na buhay
na hindi nagkakasala, kahit na siya ay naging taong matuwid pagkatapos
mahugasan lahat ng kaniyang mga kasalanan tulad ng kaputiang niebe
hanggang sa ikatlong hakbang.
Dahilan nito ang laman niya ay hindi pa binabago, kahit na ang
lahat ng mga kasalanan niya ay napatawad na. Ang salitang siya
ay ligtas, naging matuwid at walang kasalanan' ibig sabihin ay hindi siya
naging sakdal na tao na hindi nagkakasala, ngunit ang lahat ng kaniyang
mga kasalanan ay pinatawad na ng banal na dugo ni Jesus.
Kaya, ang tao na nalinis hanggang sa ikatlong hakbang ay
nakagagawa pa rin ng mga kasalanan, kaya dapat siyang lumakad sa ilaw sa
pamamagitan ng biyaya ng Dios upang siya ay mamuhay ng mabuting buhay
pananampalatayang espiritual.
Paano kung ang mananampalatayang born again ay nagkasala? Siya ba ay magiging makasalanang muli
dahil siya ay nagkasala? Hindi. Sa kaso ng taong matuwid na dumating
hanggang ikatlong hakbang at nagkasala muli at lumakad sa
kadiliman, hindi siya bumabalik sa unang hakbang, ngunit patungo
ito sa susunod pang hakbang kung saan ang nananampalatayang born again ay
nagkasala at nanatili sa kadiliman, ito ay ika-apat na hakbang. Ulitin natin isa isa, ang Dios ay
hindi maaaring makisama sa tao na nasa kadiliman sapagkat siya ay
napakabanal. Kaya ang tao ay
nagkakasala dahil sa kahinaan ng kaniyang laman na nananatili sa
kadiliman. At hindi maaaring
magkaroon ng maayos na pakikisama sa Dios. Kung hindi siya magkakaroon ng pakikisama sa Dios, hindi
siya makapamumuhay ng mabuting buhay bilang Cristiano. Sa kadahilanang ito, kailangan niya ng
isa pang hakbang upang makatakas sa kadiliman at siya ay magkaroon muli
ng pakikisama sa Dios. Ito ay ang
ika-limang hakbang. Sa
hakbang na ito, ipinahahayag niya ang kasalanan na nagdala sa kaniya sa
kadiliman. Ika-limang hakbang ay
hakbang din ng pagsisisi at pagpapahayag ng mga kasalanan sa Dios.
Dahil dito, maraming mga tao ay nalilito at napaghahalo ang
pagsisisi ng isang makasalanan sa ikalawang hakbang at pagsisisi
ng isang matuwid na tao sa ika-limang hakbang. Sa pareho ring paraan, di nila
masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng kalagayan ng makasalanan sa unang
hakbang at ang kalagayan ng taong matuwid na nasa kadiliman, sa ika-apat
na hakbang kahit na may malaking pagkakaiba sa isa't isa.
Mula
sa puntos na ito, maraming iba't ibang di pagkaunawa ang nabubuo, at
pagpapaliwanag ay kailangan. Una
sa lahat , isipin natin ang pagkakaiba sa pagitan ng unang hakbang
sa ika-apat na hakbang. Sa
unang hakbang dahil ang tao ay makasalanan, ang Dios ay hukom,
ngunit sa ika-apat na hakbang dahil sa taong nasa kadiliman ay
matuwid na at born again na Dios ay kaniya pa ring Ama. Ang relasyon ng hukom at makasalanan
ay talagang ibang iba sa relasyon ng Ama at anak. Ang hukom ay humahatol upang magparusa
sa makasalanan samantalang ang Ama ay pinapalo lamang ang kaniyang anak
dahil sa kaniyang pagkakamali.
Ang hukom ay humahatol upang magparusa, samantalang ang Ama ay
namamalo dahil mahal niya ang kaniyang anak. Ulitin natin, ang hukom hinahatulan ang makasalanan ng
walang awa samantalang ang Ama pinapalo ang kanyang anak upang maibalik
ang pakikisama at paglalapit.
Kaya, Dios, bilang hukom, ay tinatapon ang makasalanan ng unang
hakbang patungo sa impierno.
Samantalang Dios, bilang Ama, pumapalo ng kanyang mga anak sa ika-apat
na hakbang na nagkasala. Ang
tao sa unang hakbang ay talagang kaaway ng Dios, ngunit ang tao sa
ika-apat na hakbang ay nalayo sa Dios pansamantala. Ganoon din, malaking pagkakaiba sa
pagitan ng dahilan ng pagsisisi ng makasalanan sa unang hakbang at
matuwid na tao sa ika-apat na hakbang. Ang tao sa unang hakbang ay nagnanais na maging anak
ng Dios samantalang tao sa ika-apat na hakbang ay nais maibalik
ang pagiging malapit niya sa Dios.
Si
Jesucristo ay pumarito sa sanglibutang ito upang gawin ang kalagayan ng
makasalanan sa unang hakbang hanggang sa kalagayan ng
matuwid. Makikita natin ang
pangyayaring ito sa 1 Juan At
ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y
aming ibinalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ang Ama
at sa atin ay nahayag. (1 Juan 1:2).
Dito, ang buhay na walang
hanggan' ibig sabihin ay si Jesucristo.
Ang mga apostoles ay pinatotohanan si Jesucristo at ang kanilang
mga ginawa ay pagdadala ng makasalanan ng unang hakbang hanggang
sa ikatlong hakbang.
Ang
1 Juan ay nagpapaliwanag ng pakay tulad ng mga ito:
Yaong aming nakita at narinig ay siya
rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng
pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang
Anak na si Jesucristo. (1 Juan 1:3).
Ang
pakay ng mga Apostoles na pinatotohanan si Jesucristo ay upang ilapit ang
mga makasalanan sa Dios. Sa
Efeso, si Apostol Pablo ay pinatotohanan ang kalagayan ng makasalanan
bilang kaaway ng Dios, na kailangang dumaan kay Jesucristo upang
makipagkasundo sa Dios.
Pagkatapos lamang ng pagkakasundo sa Dios, doon lamang siya
maaaring makiisa sa paglakad sa sariwang damuhan kasama siya. Sapagkat ang tao na inilipat mula sa unang
hakbang hanggang ikatlong hakbang, ang pakikiisa sa Dios ay
naghihintay sa kaniya.
Ngayon dumako tayo sa pangyayari ng pagkakaroon ng pakikiisa. At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y
aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang
kadiliman. (1Juan 1:5). Ang Dios ay napakabanal at siya mismo
ang liwanag at sa kaniya ay walang anomang kadiliman. Ang salitang BANAL' ay kabaligtaran ng
kadiliman', at ang Dios makikisama at makikipagugnay lamang sa
taong Banal tulad niya. Sapagkat ako ang Panginoon na nagsampa
sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo
nga'y magpakabanal, sapagkat ako'y banal. (Levitico 11:45).
At
ang paraan lamang natin upang maging banal tulad ng Dios ay ang maging
sakdal sa pamamagitan ni Jesucristo.
Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng
pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailanman. (Hebreo 10:10). Sinabi nito na tayo ay magiging sakdal
sa pamamagitan lamang ng dugo ni Jesucristo. Ang tao na pinasakdal ni Jesucristo ay maaari ng makisama
sa Dios. Ngunit ang problema, ang
tao ay maaaring bumagsak muli sa kadiliman dahil sa laman samantalang
Dios ay di maaaring makisama sa kadiliman. Sa madaling salita, tao ay talagang babagsak upang
makapamuhay ng banal na buhay.
Ano
ang mangyayari kung ang banal na tao ay lumalakad sa kadiliman? Ang Dios ay di maaaring makisama sa
kanya at siya ay nalalayo sa Dios.
Ito ang malaking pagkakaiba mula sa kalagayan ng isang makasalanan
sa unang hakbang na kumakalaban sa Dios. Kung ang isang malinis at matuwid na tao ay nakatakas mula
sa kadiliman, kahit na siya ay bumagsak dito at kahit na siya ay napalayo
sa Dios, ang pagsasama nila ay maibabalik. Ngunit sa kaso ng makasalanan sa unang hakbang, siya
ay kailangang dumaan sa ikalawang hakbang at tanggapin ang
ebanghelyo na siyang ikatlong hakbang, upang makuha niya ang
pakikisama sa Dios.
Ang
unang kapitulo sa 1Juan ay hindi nagsasabi tungkol sa kaso ng makasalanan
sa unang hakbang na nakuha ang pakikisama sa Dios sa pamamagitan
ng ikalawa at ikatlong hakbang, ngunit ipinapaliwanag nito
ang kaso ng banal na tao sa ika-apat na hakbang na naibalik ang
pakikisama sa Dios hanggang sa makarating sa ika-limang hakbang. Ikalawa at ika-limang
hakbang ay gumagamit ng parehong salitang pagsisisi', ngunit ang tunay na kahulugan ay talagang
magkaiba sa isa't isa. Ganito rin
ang kaso ng salitang iniligtas
(kaligtasan)'.
At siya'y manganganak ng isang lalake;
at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagkat ililigtas niya
ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:21). Dito ang salitang
ililigtas' ibig sabihin ay makasalanan sa unang hakbang ay
iniligtas mula sa kanyang kasalanan at dumating sa posisyon ng matuwid na
tao sa ikatlong hakbang.
Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano
ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus
pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling
pagkaligtas na may takot at panginginig; (Filipos 2:12).
Dito, ang ibig sabihin ng salitang pagkaligtas' ay ang matuwid na tao sa ikatlong hakbang
ay nabubuhay na malinis o banal na buhay. Ang salitang
ligtas' sa unang kapitulo ng Mateo ibig sabihin ay iligtas mula
sa kanilang mga kasalanan', at
ang salitang pagkaligtas' sa
Filipos 2 ang ibig sabihin ay iligtas mula sa makasalanang buhay'.
Kaligtasan ng Espiritu at kaligtasan ng buhay ay magkaiba sa isa't
isa. Ang Espiritu ay iniligtas sa
pamamagitan ng pagtanggap ng evangelio at kaligtasan ng buhay ay
napagtatanto sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga kasalanan. Sa parehong pamamaraan, masasabi natin
ang pagkakaiba ng pagsisisi sa pagitan ng ikalawang hakbang at ika-limang
hakbang.
Naganap na ang panahon, at malapit na
ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa
evangelio. (Marcos
1:15). Ang salitang mangagsisi' sa pangangaral ni Jesus sa
Galilea ibig sabihin ay pagsisisi na dapat gawin ng makasalanan sa ikalawang
hakbang.
Kaya't alalahanin mo kung saan ka
nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; (Apocalipsis 2:5). Ngunit ang magsisi' na ito sa sulat sa mga anghel ng iglesia sa Efeso
ay pagsisisi ng ika-limang hakbang na kinakailangan upang maibalik
ang pakikisama sa Dios. Ang
salita sa 1 Juan 1:7-10 ay nakatuon at nagpapaliwanag sa pagsisisi ng ikalimang
hakbang.
Ngunit kung tayo'y nagsisilakad sa
liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo
ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating tayo'y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala
sa atin. Kung ipinahahayag natin
ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa
ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Kung sinasabi nating tayo'y hindi
nagkakasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita
ay wala sa atin. (1 Juan
1:7-10).
Para
sa madaling pagkaunawa ng pagkakaroon ng pakikisama sa Dios at
pagpapahayag ng mga kasalanan, tingnan nating halimbawa ang kaso ni
David. Sa 2 Samuel 11, nasulat na
si David ay nangalunya kay Bath-sheba, asawa ni Uria. Si David na kasama ng Dios ng matagal
na panahon ay bumagsak sa kadiliman sa pagkakasala ng pangangalunya. At saka, si David ay nagkasala ng isa
pa ito'y ang pagpatay kay Uria upang maitago ang kanyang kasalanan. Ngunit siya ay hindi makasalanan sa unang
hakbang. Ang Panginoon ay
sumakanya ng puso at siya ay tao pa ring matuwid na bumagsak sa ika-apat
na hakbang. Mula sa ikatlong
hakbang, maaaring isipin ng ibang tao Paano na ang tao na may Dios sa puso ay makagawa ng ganito
kabigat na kasalanan? Ngunit
makikita natin na si David ay taong may Dios sa puso sa pamamagitan ng panalangin
niya sa Awit 51.
Likhaan mo ako ng isang malinis na
puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
Huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng
iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. (Awit
51:10-12).
Nakiusap siya sa Dios na huwag alisin ang Banal na Espiritu at
ibalik ang kagalakan ng kaligtasan.
Si David ay nagkasala at nagsimulang lumakad sa kadiliman. Ang kailangan sa kanya ay hindi ang
pagsisisi sa ikalawang hakbang, kundi pagsisisi sa ikalimang
hakbang. Tingnan natin ang
kaniyang panalangin; Narito,
ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking
ina, (Awit 51:5).
Ipinahayag niya na siya ay may laman na may likas na magkasala at
nagnasa siyang maalab na maibalik ang pakikisama niya sa Dios. Ito ay upang masabi, na ang ginawa
niya ay pagsisisi sa ika-limang hakbang. Si David ay puwedeng makisama sa Dios sa pamamagitan ng
pagsisising ito, ngunit kailangang maranasan niya ang kalungkutan
hanggang maibalik ito. Si David
ay di man lang naisip ang Dios matapos na mangalunya siya sapagkat hindi
niya inisip na ito ay kasalanan.
Katulad nito, kapag nasa kadiliman, ang isang tao ay hindi naiisip
na ang pagkakasalang ginawa ay kasalanan, at siya ay nasa sitwasyon na
hiwalay sa Dios.
Hindi nagtagal, nang marinig niya ang balita na si Bath-sheba ay
nabuntis, bumagsak ulit siya sa panibagong kadiliman. Tinawag niya si Uria mula sa digmaan at pinilit maitago ang kaniyang kasalanan
sa pamamagitan ng pagtabi ni Uria sa asawa nitong si Bath-sheba. Ngunit si Uria ay napakatapat na hindi
niya makaya na siya lamang ang magpahinga sa bahay at tinanggihan ang
magandang alok ng hari. Hindi
masunod ni David ang kanyang pakay at nagplano na patayin si Uria sa
pamamagitan ng kamay ng mga kalaban.
Na ang iba ring mga sundalo ay kailangan ding mapatay, ngunit si
David ay nasisiyahan lamang sa tagumpay ng pagtatago ng kanyang
kasalanan. Ang isip niya ay
nalulong na sa kadiliman.
Kung
ang Dios ay pinabayaan siya hanggang sa maling kaisipan maaaring malulong
siya ng malulong. Ngunit ang Dios
ay ipinakita ang kasalanan ni David sa pamamagitan ni propeta
Nathan. Ito'y hindi sa
kadahilanan na siya ay parusahan, ngunit sa kadahilanan na maibalik ang
pakikisama sa kanya. Napansin ni
David ang kaniyang kasalanan sa pamamagitan ng maliit na pagpuna ni
propeta Nathan, kaya siya ay nagsisi at maaaring makisama ulit sa Dios. Kahit na siya ay kasama ng Dios, si
David ay maaari ding magkasala ng pangangalunya.
Sa
pareho ding paraan, sinomang naging banal at sinomang may Dios sa puso ay
maaari ding magkasala. Kahit na
anong pagpipigil nila upang wag
magkasala, magagawa parin niya dahil sa kanilang mahinang laman. Kaya, babagsak siya sa kadiliman kung
siya'y magkakasala. Pagkatapos,
pakikisama sa Dios ay mapapatid.
Ang pagpapahayag sa ika-limang hakbang ang talagang
kailangan sa sitwasyong ito.
Kung sinasabi nating tayo'y may
pakikisama sa kanya at nagsisilakad tayo sa kadiliman ay nangagbubulaan
tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan: (1 Juan 1:6). Matapos sumiping kay Bath-sheba at matapos ipapatay si Uria
kung sasabihin ni David na siya'y may pakikisama sa Dios, siya ay
sinungaling. Ang bersikulong ito
ang nagsasabi tungkol dito.
Ngunit kung tayo'y nagsisilakad sa
liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't
isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kanyang anak sa lahat ng
kasalanan. (1 Juan 1:7).
Noong si David ay nasa liwanag , siya ay may pakikisama sa Dios,
ngunit sa kadiliman ito ay nawala.
Paano niya maibabalik ang pakikisama niya sa Dios? Kahit na anong pagtatago ang gawin
niya sa kaniyang kasalanan, wala siyang magagawa kundi bumagsak sa
kadiliman ng paulit-ulit, palala ng palala. Ngunit ng ilantad ni propeta Nathan ang kasalanan ni David
at pinagsabihan siya, ipinahayag ni David ang kasalanan niya at naibalik
ang pakikisama o paglalapit sa Dios.
Datapuwat ang lahat ng mga bagay
pagkasawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagkat ang lahat ng mga
bagay na itinatanyag ay kaliwanagan. (Efeso 5:13).
Ang
tao na nagkasala ay kailangang sawayin at ang kasalanan niya ay
kailangang malantad sa liwanag upang siya ay magkaroon ng pakikisama sa
Dios sa pamamagitan ng pagsisisi'. Ang hindi pagkakasala bilang taong
matuwid ay paglakad sa liwanag, kahit na ang taong matuwid ay magkasala,
kung ang kasalanan niya ay malantad, kung siya ay sinaway at kung siya ay
nagsisi ito ay paglakad din sa liwanag.
Kaya ang dugo ni Jesucristo na kanyang Anak ay nililinis ang mga
kasalanan ng taong matuwid na nagsisi.
Ibig sabihin ang dugo ni Jesucristo ay hindi lamang inilalagay ang
makasalanan mula sa unang hakbang sa kalagayan ng taong matuwid sa
ikatlong hakbang, ngunit ito rin ay nagdadala ng matuwid na tao sa
banal na buhay. Tulad ng mga
Israelita ng maligtas dahil sa dugo ng Cordero at sila ay nakakuha ng
kalakasan mula sa karne nito hanggang sa makarating sila sa Canaan, si
Jesucristo ay ang kapangyarihan na magdadala sa makasalanan upang maging
matuwid, at ang matuwid na tao sa malinis na buhay din.
Gayonman, ang buhay pananampalataya ay binubuo ng ganitong mga
hakbang: Unang hakbang, isang
makasalanan; Ikalawang hakbang,
pagsisisi; Ikatlong hakbang, ay
pagiging matuwid na tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng evangelio; Ika-apat na hakbang, matuwid na tao na
nagkasala; at Ika-limang hakbang,
pagsisisi at pagbabalik ng pakikisama sa Dios.
Maraming mga tao ngayon, gayonman ay hindi dumaan sa ganitong
proseso. Pinipilit nilang
magkaroon ng pakikisama sa Dios sa pamamagitan ng pagsisisi sa ika-limang
hakbang diretso mula sa kalagayan ng makasalanan sa unang hakbang. Ang katulad nito ay pinipilit mong
maglagay ng bubong diretso pagkatapos ng gawa ng pundasyon habang itinatayo
ang bahay na hindi pa inilalagay ang mga haligi at mga dingding nang hindi naiintindihan ang mga
hakbang sa buhay pananampalataya.
Ang
ibang tao ay iginigiit sa loob ng kanilang kaisipan, inihahalimbawa ang
kuwento na ang tao ay hinugasan ang paa matapos maligo, sa pamamagitan ng
pag-uusap ni Jesus at ni Pedro sa Juan 13, ngunit ito ay nagpapakilala ng
kanilang kamangmangan.
Sa
Juan 13, hindi maintindihan ni Pedro kung bakit pilit na hinuhugasan ni
Jesus ang kanyang paa, sinabi ni Jesus sa kanya, Siya na pinaliguan na ay kailangang
hugasan na lang ang paa.
Dito, Siya na
pinaliguan ibig sabihin ay
matuwid na tao na ang kasalanan ay hinugasan na ng banal na dugo ni Jesus
at naging banal. Kung ang matuwid
na taong ito ay magkasala, na ang paa lamang niya ang nadungisan,
mawawala lamang ang pakikisama niya sa Dios. Hindi siya nagiging makasalanan na tuluyang naging
madumi. Kaya, ang matuwid na tao
na nagkasala ay kailangan lamang ipahayag ang kaniyang kasalanan upang
maibalik ang pakikisama sa Dios.
Ang pagsisising ito, tulad ng paghuhugas ng paa, ay magagawa
lamang ng matuwid na tao.
Maraming mga tao ay ginagawa ang pagsisisi sa ikalimang hakbang hinugasan ang paa kahit na hindi pa nila natatamo ang
katuwiran ng ikatlong hakbang.
Sila ay makasalanan lang ng unang hakbang. Ngunit ang mga makasalanang ito sa unang
hakbang ay hindi kailan man makakapasok sa langit. Kahit ano ang kanilang pagsusumikap na
gawin na pagsisisi sa paraan ng ika-limang hakbang. Yaon lamang mga dumaan sa pagsisisi sa
ikalawang hakbang at nakaabot sa ikatlong hakbang ang
makakapasok sa langit.
Kung sinasabi nating tayo'y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili at ang katotohanan ay wala
sa atin. (1 Juan 1:8).
Ang
mga salitang ito ay nagsasabi rin na kung ang matuwid na tao sa ika-apat
na hakbang ay magsabi, Wala
akong kasalanan , ay dinadaya niya ang kaniyang sarili. Dito ang salitang walang kasalanan' ibig sabihin na si
David, na nagkasala ng pangangalunya, ay nagsasabing, Hindi ako nagkasala, wala akong
kasalanan. Ang kasong ito ay
malaki ang pagkakaiba sa kaso kung saan ang matuwid na tao ng ikatlong
hakbang, na dating makasalanan sa unang hakbang, ay
nagsasabing , Ngayon ako'y naging
matuwid na tao sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Ang lahat ng aking mga kasalanan ay nalinis na at sa ganoon
wala na akong kasalanan.
Tayo' sa 1 Juan ay lahat ng mga banal na naligtas, na matuwid na
tao sa ikatlong hakbang.
Ating sabihin muli, walang
kasalanan' sa bersikulong ito ang ibig sabihin hindi nagkasala' kaya
walang kasalanan' at hindi ibig sabihin na naligtas at nalinis at samakatuwid, walang kasalanan'. Kahit na ang matuwid na tao na
naligtas ay hindi maaaring mabuhay na hindi nakagagawa ng mga
kasalanan. Kung mayroong tao na
nagsasabi na hindi siya nagkakasala, siya marahil ang tao na kung saan
ang katotohanan ay wala sa kanya, at hindi pa naliligtas. Sapagkat, ang tao na tunay na ligtas
ay maaaring sabihin Ako ay naging
taong matuwid na wala ng kasalanan , ngunit hindi masasabi Ako'y naging matuwid na tao na hindi
nagkakasala .
Maraming mga tao hindi maintindihan ang bersikulong ito, dahil
hindi nila alam ang tamang kahulugan ng
taong matuwid'. Sa Biblia,
may dalawang klase ng taong matuwid'.
Ang unang tao ay hindi nakagawa ng kahit anong kasalanan, at ang
ikalawang tao ay naging matuwid o naligtas sa pamamagitan ng pagtubos ni
Jesucristo. Wala kahit sino kundi
si Jesus' lamang na unang matuwid
na tao, ngunit marami ang nasa ikalawang matuwid na tao sa loob ng
biblia. Kung ang isang tao ay
nagsasabi na siya ay naging matuwid na tao tulad ni Jesus, dinadaya niya
ang kaniyang sarili. Ang mga
salitang walang kasalanan' sa 1
Juan ibig sabihin ay hindi ako
nakagawa ng kasalanan at sa ganoon wala akong kasalanan' hindi ang ibig
sabihin lahat ng aking mga
kasalanan ay napatawad na' at sa ganoon
wala na akong kasalanan'.
Ang susunod na bersikulo ay nagpapaliwanag nito ng detalyado.
Kung ipinahahayag natin ang ating mga
kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga
kasalanan,at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Kung sinasabi nating tayo'y hindi
nangagkasala ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita
ay wala sa atin. (1 Juan
1:9-10).
Dito
ang mga salitang tayo'y hindi
nangagkasala' ay katulad ng
walang kasalanan' sa ikawalong bersikulo. Nakikita natin ito ng mas malinaw sa
pamamagitan ng dahilan ni Juan na isinulat ang 1 Juan 2:1.
Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na
ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. (1 Juan 2:1).
Upang kayo'y huwag mangagkasala ' Ang dahilan na ang unang kapitulo ay isinulat ay upang ang
anak ng Dios ay wag magkasala. Kung tayo'y magkasala, tayo ay
maaaring bumagsak sa kadiliman, at sa ganoon, hindi tayo puwedeng
makisama sa Dios at kung hindi tayo makakasama ng Dios, hindi tayo
puwedeng lumaki at lumagong Cristiano.
Tunay na pananampalataya ay nanggagaling lamang mula sa pakikisama
sa Dios.
Ang
Cristiano na walang pakikisama sa Dios ay hindi maaaring magbunga ng
kahit ano. Isinulat ni Juan ang
sulat na ito na may pagasa na ang mga anak ay maaaring makalaya sa
kadiliman at sa paggawa ng kasalanan at lumakad sa ilaw kasama ng Dios.
Mayroong tagapagtanggol para sa mga Cristiano. Siya ay si Jesucristo at naninikluhod
para sa lahat ng mga banal sa kanan ng Dios. Kaya, ang Cristiano ay dapat magpahayag kapag nakakagawa ng
kasalanan upang ang buhay niya sa laman ay makatakas mula sa kadiliman at
maibalik ang pakikisama sa Dios at makapamuhay ng pinagpalang buhay.
[ Meaning ]
CONFESS: acknowledge,
admit , confess one's sin to a priest(Catholic doctrine)
[
Kahulugan] IPINAHAHAYAG: tanggapin, aminin, magkumpisal sa
pari(Katuruang Katoliko)
* IPINAHAHAYAG na
nakasulat sa Biblia ay walang kasunod na humingi ka ng tawad. *
Aking sinasaksihan sa
bawat taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga
ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na
ito: At kung ang sinoman ay
magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang
kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na
nangakasulat sa aklat na ito.
(Apocalipsis 22:18-19)
|